“Bigwas”
Mababalitaan
natin sa ngayon ang pagkamatay ng nasasabing estudyante sa iba’t ibang
unibersidad. Mga kabataan ang madalas na nasasangkot sa hazing dahil ito ay
isang fraternity o institusyon na isinasagawa para madagdagan ng para
madagdagan ng miyembro ang kanilang grupo.
Isa
sa mga maituturing na pinakalyunin ng pagsali sa mga fraternities o sororities
ay ang kapatiran (Brotherhood) o pagkakaroon ng maraming kaalyansa. Itinuturing
nila na pangalawang kapamilya nila ang kanilang kapatiran lalo na sa oras ng
kagipitan. Maraming may kagustuhan nito dahil sa makukuhang benepisyo mula rito
na habang nag-aaral at kapaga nakatapos, dahil may tinatawag silang frat-alumni
at ito ang nagbibigay sa kanila ng mga scholarship at trabaho para sa kasapi
nito. Pero bago maging isang miyembro ng isang fraternity, ikaw ay sasabak muna
sa tinatawag na hazing. Ang pagpalo sa hita at puwit aymagdudulot ng muscle
injury at matinding pasa na kapag nasira/nabugbog ng husto ang muscle ito’y
magdudulot ng kidney failure. Ang pagpalo rin sa ulo, dibdib at tiyan ay pwede
magkaroon ng internal organ bleeding at namamatay ang biktima sa pagtulo ng
dugo. Bukod sa palo, mayroon ding psychological abuse na nangyayari at
nagkakaroon ng troma ang biktima. Kadalasan ang nagsasagawa sa hazing ay
nakainom ng alak at lumalakas ang kanilang loob na magbigay ng matinding
pananakit at isa ring dahilan kung bakit may namamatay sa hazing.
Sa
mga kabataan, huwag na lang sumali sa fraternity/sorority na nagsasagawa ng mga
hazing. Hindi ka makakahanap ng pamilya o pagkakaiban kung ikaw rin ay sasaktan
at kapag na ang nasa susunod na termino ay igaganti mo lang kung ano naramdaman
mo at mananakit. Wala itong magandang maidudulot sa buhay natin. Maari ngang
maganda ang maidulot pero isipin din kung kaya ba itong ating mga katawan. Ito
pa ay makakaapekto sa pag-aaral kaya’t huwag sayangin ang buhay at sumali sa
masasamang grupo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento