Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Tatak Pilipino", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

Tatak Pilipino

Aking pinagmulan
Perlas ng silangan
Masasabi ko,
Nandito aking angkan

O talaga naman,
‘kay gandang tirahan
Huwag itong hayaan
Manatiling larawan
Pula,puti,
Dilaw at bughaw
Kulay ng watawat
Sa Pilipinong tapat
Pagiging mabait
Magalang at masiyahin
‘Yan ang ugaling pilipino
Na dapat yakapin
Ipakita sa bawat dayuhan
Ang ating pagkamabutihan
Sa lugar na ito,

Makikita ang sinilangan ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...