Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Salamin ng aking Buhay", isang malayang tula tungkol sa sarili ng may-akda

Salamin ng aking Buhay

Ang ganda sabi ng ina,
Sana makapiling ka sa twina
Walang pagsidlan sa tuwa,
Buong yakap na kinalinga

At ngayo’y lumaki na,
Ang nagngangalan na si Hanna
Minahal at inaruga ng kanyang pamilya
Nanalig sa Diyos at mahal ang kapwa

Ako ay nakahanap ng samahan
Ito ang akingmga kaibigan
Na punong-puni ng ligaya,
Turingan namin ay pamilya

Pag-aaral ay hindi ganoon kadali
Inspirasyon pamilya’t kaibigan
Na sa araw-araw ako ay inaalalayan
Sila ay aking tunay na pinahalagahan

Maraming ‘di inaasahang mangyari,
Ngunit ito’y nalagpasan ko
Gamit ang pasensya’t pagtitimpi,
Kasama ang Diyos na laging nasa tabi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...