Lunes, Oktubre 16, 2017

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian”

“Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nangyari?” saad ko. “Hindi ko rin alam, bigla na lang kala ko naka ‘move-on’ nako, hindi pala. Kala ko kaya ko na ng wala siya, hindi pa rin pala. Sabi ni Perrie. “Ha, ano ung sinasabi mo? Akala ko ba ako ang kauna-unahang nobya mo?” saad ko. “Oo nga. Pasensya na zayn, masaya naman ako sayo, satin, kaso iba talaga ‘pag siya eh, parang bang may kulang.” Naalala ko nung araw na ‘yan, napakasakit, sobrang sakit para bang may tumusok sa dibdib ko. Kung alam ko lang na ito na ang huli naming sandali, sana nasulit ko siya, sana kahit na alam kong hindi ako ang mahal niya okay lang basta kasama ko siya. Kaso hindi eh pinalaya ko siya dahil alam ko na magiging makasarili ako ‘pag pinilit ko ang mahal ko na mahalin din ako. Kala ko nagawa ko na, totoo pala,  mahirap mapamahal sayo ang hindi pa tapos magmahal ng iba. Ako nga pala si Zayn, nagkakilala kami sa Monster High School malapit sa aming bahay. Siya nga pala si Perrie ang ex ko, ang babaeng hindi pa tapos magmahal ng iba. Kami ay nagkakilala dahil may isa kaming kailangan na iprint para sa asignaturang Filipino. Halos lahat na ng napagtanungan ko ay wala ngunit siya lang ang kaisa-isang babae na tumanggap sa pabor ko kahit hindi naman kami halos magkakilala, kaibigan lang siya ng kaibigan ko. Simula noon, nabaitan ako sakanya kasi biruin mo, kahit hindi niya ako kilala pumayag siya at syempre nagpapasalamat ako dahil doon. Lumipas ang mga araw pero tuloy-tuloy pa rin kami sa pag-uusap kahit na minsan walang kwenta na pinag-uusapan sige pa din at syempre nagkagaangan na kami ng loob. Hanggang sa nakita ko siya sa may labas ng silid-aralan naming at napansin ko ang ganda pala talaga niya. Ang mga mata na nagsisikinangan at ang mga labi na napakapula. Doon ko napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko na kaya na hindi siya makita sa loob ng isang araw, hindi ko na kaya na may makita siyang iba at higit sa lahat, hindi ko kaya na hindi makita ang napakaganda niyang mukha. Pinag-iisipan ko nung una kung aamin ba ako kay Perrie kaya tinignan ko muna at baka ‘naaattached’ lang ako sa kanya bilang kaibigan. Tumingin ako sa ibang mga babae kung ako ba ay nanghuhumaling at naaakit sa kanila ngunit ako ay nabigo kay Perrie lang kumikinang ang aking mata at doon pa lang ay makikita na ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya naisipan kong ipagpasya na umamin na talaga ako sa kanya at baka malay mo may tsansa naman ako sa kanya.Noong umamin ako, sobrang kabado ako at para akong mag-eexam sa sobrang kaba, pero hinarap ko ito para sa minamahal kong si Perrie. Pero sabi niya sa akin “Mahal kita Zayn, pero sa ngayon kaibigan pa lang.” Tinanggap ko ito at sabi ko na hindi naman ako nag hahangad nang mas higit pa sa ano ang meron kami. Gusto ko lang malaman niya na andito ako lagi para sa kanya at gusto ko lang din malaman na may taong handang magparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga. Nagsimula na akong manligaw. Siya ay hinahatid ko araw-araw, hindi ko hinahayaan na mag-isa siya at ako ung taong lagi niyang pinagsasabihan ng problema. Kahit ganoon lang kami okay na sa akin yon. Ang mahalaga magkasama kami. Isang araw, kasama ni Perrie ang matalik niyang kaibigan, si Jade. Sila ay laging magkasama at masasabi ko na malalim na talaga ang kanilang pinagsamahan dahil kung ano ang alam ko kay Perrie ‘yon din ang alam ni Jade. Sila ay kumakain ng sabay at hindi na ako nakisama dahil sa nakikita ko na para naman magkaroon ng oras sa Perrie para sa kaibigan niya. Pagtapos noon tapos na ang klase dahil tapos na, oras na ng merienda. Inaya ko si Perrie na kumain ng ‘street foods’ pero kasama si Jade. Ang saya-saya ni Perrie at makita ko lang siya masaya, masaya na din ako.  Nagkakwentuhan kami ng mga nangyari sa buong maghapon, at ako ang lagi niyang sinasabihan kung may problema man siya o wala. Kami ay nagdadate sa mga kainan at sinehan dahil ito ang mga bagay na pareho naming gusto at nagkakaintindihan kami dahil dito. ‘Yan ang mga paborito naming gawin, pampalipas ng oras at nagsisilbing libangan na rin. Kinatagalan, Inaya ako ni Perrie na pumunta sa isang parke para manood ng paputok dahil paborito niyang manoood nito. Sinorpresa niya ako at pumayag na siya na maging nobya ko. Masasabi ko na ang unang limang buwan ay sobrang naging masaya kaya lang sa bawat alis naming nandoon si Jade. Dumating ang araw na kapag may nakakasama si Perrie ay syempre hindi ko maiwasan na hindi magselos at minsan nagdudulot ito ng away pero hindi rin nagtagal nagiging ayos na din. Sa sobrang dalas na makasama naming si Jade minsan napatanong ako kay Perrie na bakit ganoon, gusto ko kahit minsan o sandali lang ay magkaroon man lang kami ng oras paraq sa aming dalawa lang. Sabi niya sa akin, “Ano ba naman ‘yan kaibigan ko lang ‘yon Zayn.” Hinayaan ko na lang at naisip ko na tama naman hindi naman na iba si Jade sa akin total kaibigan siya ng nobya ko. Isang araw, nakita ko na umiinom at naninigarilyo si Jade sa kanto malapit sa bar. Sinabi ko ito kay Perrie at sabi, “Hala, ano ang nangyari?, Puntahan natin at dalhin natin siya sa condo niya.” Pumayag ako na tulungan dahil syempre mtalik na kaibigan ‘yon ng nobya ko. Masasabi ko na mapagmahal si Perrie dahil inaruga niya ang kanyang kaibigan at nakita ko ang tulo ng kanyang mga luha dahil hindi siya makapaniwala na kaya gawin ‘yon ni Jade. Tinulungan ko si Perrie na alagaan at pagtapos inutusan ako ni Perrie na bumili ng pagkain at pakakainin niya na si Jade. Bumili ako ng ‘soup’ para mawala ang hangover ni Jade. Bumili naman ako ng pagkain na kare-kare dahil alam ko na ito ang paboritong pagkain ni Perrie dahil simula noong pumunta na kami sa condo ni Jade hindi na nakakain si Perrie. Pagbalik ko nakita ko na nagagalit si Perrie kay Jade dahil uminom siya at naninigarilyo at syempre inawat ko ang nobya ko. Dumating na ang nanay ni Jade at ito’y pinatawag ko para naman makapagpahinga na si Perrie dahil wala rin siyang tulog simula noong sinundo namin si Jade. Sinusuway ako ni Perrie at sabi na ayaw niya pa umuwi at gusto niya na doon muna siya kay Jade na ipinagtataka ko dahil alam ko naman na may magbabantay na doon. Nag-away kami dahil sabi ko kaibigan niya lang ‘yon unahin niya naman kahit minsan ang sarili niya, dahil imbes na siya ang mag-alaga, ay baka siya ang aalagaan. Nakipagtalo siya sa akin, naging madalas na ang mga away naming na minsa’y nakakasawa pero kahit kaila’y hindi ako bumitaw. Minsan naiisip ko na mas naiisip niya na ang kaibigan niyang si Jade kaysa sa akin. Dumating ang mga araw na naging malamig na ang dating nagaalab naming relasyon at hanggang sa tumagal sumuko na si Perrie sa aming relasyon at sinabing makikipag-hiwalay na siya sa akin at kailangan niya lang daw ng ‘space’ sa bagay-bagay. Nagulat na lang ako at nalaman ko na naging sila pala ni Jade kaya pala sobrang mapag-aruga, maintindihin at sa bawat gala ay naroon si Jade. Hindi pa nakakamove-on si Perrie dahil sa oras na kinailangan niya ng tulong nandyan si Jade sa panahong wala ako. Nakakahinayang man isipin na sa una ang saya naming pero ganoon talaga minsan kahit gaano mo kagusto ang tao kung may iba talaga siyang gusto wala rin itong patutunguhan. Ang sakit lang na baka sa bawat halik na ginawa ko sa kanya hindi ako ang nasa isipan niya kung hindi ang mahal niya. Kahit nasaktan man ako, kahit kalian hindi ko ito pagsisisihan dahil kailanma’y si Perrie ay naging parte na ng aking buhay, na kahit kaila’y hindi ko iaakila.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...