Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Patungo sa tuktok", isang tugmang tula tungkol pangarap

Patungo sa tuktok

O pangarap ko na punong hangarin
Paghihirap ang tanging ibigsabihin
Noon pa lang hinahangad ng abutin
Tanging tagumpay ang aking sisikapin

Rurok ng tagumpay aking sisilipin
Tagumpay ko’y sa pamilya ihahain
Paghihirap ko sana’y kanilang isipin
Dahil lahat ng ito’y aming mithiin

Kahit anong pagsubok ay kakayanin
Daan ng paghihirap ay tatahakin
Mahirapan o madaoa ang alipin
Tagumpay pa rin ang aking sasambitin

At sakaling ako’y mahirapan pa rin,
Ang ilaw ng tagumpay ang sisikapin
Dahil ito ang pag-asa sa akin,
kailanma’y ito ay aking aakapin

Paghihirap ko ay aking tatapusin,
Ngiti sa mga labi’y aking sisikapin
Pagpapasalamat ay lulubusin,

Basta’t tagumpay ko ang iisipin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...