Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Inang kalikasan, Ngayo’y wasak", isang tugmang tula tungkol sa kalikasan

Inang kalikasan, Ngayo’y wasak

O kalikasang lubos kong minamahal,
Tila ang ning ning mo’y sana ay tumagal
Diyos ay dapat lang natin pasalamatan,
Ang ganda nito’y tunay na kayamanan

Ang hanging sariwa, libre lang langhapin
Ngayon sa polusyon, ika’y babalutin
Ang dagat at lawa na nilalanguyan
Mga isda, koral na nagsibawasan

Ang mga ulap na dati’y kulay bughaw
Na naging usok na at nakakasilaw
Huni ng ibon na kay sarap pakinggan,
Atin ito’y patagalin at ingatan

Nakalbong gubat malaki ang epekto I
to’y kagagawan ng mga tao
Kaya’t ‘wag na magtaka sa kalamidad
Darating ‘yan kahit hindi hangad

Ako,ikaw, tayo ay dapat kumilos
Kung hindi tayo, wala ng maaayos
Huwag lang dapat tayo sumabay sa agos,
Ating pigilan ang malawak na unos.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...