Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Aming kinabukasan Saan Patungo?", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

 Aming kinabukasan Saan Patungo?
O pilipinas, anong nangyari sayo?
Puno na ng korapsyon at terorismo
Sobra sobra na ang pagdanak ng dugo
kagagawan din ng mga Pilipino

O bakit nga ba tayo nagrereklamo?
Kahit tayo rin ang may dahilan nito
Mahirap bang magkaisa at magbago?
O sadyang hindiclqng natin kaya ito?

Mga politiko tila mga hayop,
Walang ginawa kung hindi mangurakot
Kawawang mga tao na sinasakop,
Sana’y magkaron sila ng hiya’t takot

Iba na talaga sa panahon ngayon,
Puro krimen at hindi naaaksyon
Kaya’t butihin na bumoto ng tama,
Nang ang gobyerno’y hindi mapapasama

Wala na atang pag-asa ito,
Kung ‘di aaksyon ang kapwa Pilipino
Kailan pa ba mga pinoy matututo
Ngayon na wasak na at puno ng gulo




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

“Panandalian”, isang maikling kwento nang pag-ibig

“Panandalian” “Pasensya ka na, hindi ko na kaya.” sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano ang nan...