“Panandalian”
“Pasensya ka na, hindi ko na kaya.”
sabi ni Perrie. “Bakit ano nangyari, parang noong una lang ang saya natin, ano
ang nangyari?” saad ko. “Hindi ko rin alam, bigla na lang kala ko naka ‘move-on’
nako, hindi pala. Kala ko kaya ko na ng wala siya, hindi pa rin pala. Sabi ni
Perrie. “Ha, ano ung sinasabi mo? Akala ko ba ako ang kauna-unahang nobya mo?”
saad ko. “Oo nga. Pasensya na zayn, masaya naman ako sayo, satin, kaso iba
talaga ‘pag siya eh, parang bang may kulang.” Naalala ko nung araw na ‘yan,
napakasakit, sobrang sakit para bang may tumusok sa dibdib ko. Kung alam ko
lang na ito na ang huli naming sandali, sana nasulit ko siya, sana kahit na
alam kong hindi ako ang mahal niya okay lang basta kasama ko siya. Kaso hindi
eh pinalaya ko siya dahil alam ko na magiging makasarili ako ‘pag pinilit ko
ang mahal ko na mahalin din ako. Kala ko nagawa ko na, totoo pala, mahirap mapamahal sayo ang hindi pa tapos
magmahal ng iba. Ako nga pala si Zayn, nagkakilala kami sa Monster High School
malapit sa aming bahay. Siya nga pala si Perrie ang ex ko, ang babaeng hindi pa
tapos magmahal ng iba. Kami ay nagkakilala dahil may isa kaming kailangan na
iprint para sa asignaturang Filipino. Halos lahat na ng napagtanungan ko ay
wala ngunit siya lang ang kaisa-isang babae na tumanggap sa pabor ko kahit
hindi naman kami halos magkakilala, kaibigan lang siya ng kaibigan ko. Simula
noon, nabaitan ako sakanya kasi biruin mo, kahit hindi niya ako kilala pumayag
siya at syempre nagpapasalamat ako dahil doon. Lumipas ang mga araw pero
tuloy-tuloy pa rin kami sa pag-uusap kahit na minsan walang kwenta na
pinag-uusapan sige pa din at syempre nagkagaangan na kami ng loob. Hanggang sa
nakita ko siya sa may labas ng silid-aralan naming at napansin ko ang ganda
pala talaga niya. Ang mga mata na nagsisikinangan at ang mga labi na
napakapula. Doon ko napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.
Hindi ko na kaya na hindi siya makita sa loob ng isang araw, hindi ko na kaya
na may makita siyang iba at higit sa lahat, hindi ko kaya na hindi makita ang
napakaganda niyang mukha. Pinag-iisipan ko nung una kung aamin ba ako kay
Perrie kaya tinignan ko muna at baka ‘naaattached’ lang ako sa kanya bilang
kaibigan. Tumingin ako sa ibang mga babae kung ako ba ay nanghuhumaling at
naaakit sa kanila ngunit ako ay nabigo kay Perrie lang kumikinang ang aking
mata at doon pa lang ay makikita na ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya naisipan
kong ipagpasya na umamin na talaga ako sa kanya at baka malay mo may tsansa
naman ako sa kanya.Noong umamin ako, sobrang kabado ako at para akong mag-eexam
sa sobrang kaba, pero hinarap ko ito para sa minamahal kong si Perrie. Pero
sabi niya sa akin “Mahal kita Zayn, pero sa ngayon kaibigan pa lang.” Tinanggap
ko ito at sabi ko na hindi naman ako nag hahangad nang mas higit pa sa ano ang
meron kami. Gusto ko lang malaman niya na andito ako lagi para sa kanya at
gusto ko lang din malaman na may taong handang magparamdam sa kanya kung gaano
siya kahalaga. Nagsimula na akong manligaw. Siya ay hinahatid ko araw-araw,
hindi ko hinahayaan na mag-isa siya at ako ung taong lagi niyang pinagsasabihan
ng problema. Kahit ganoon lang kami okay na sa akin yon. Ang mahalaga magkasama
kami. Isang araw, kasama ni Perrie ang matalik niyang kaibigan, si Jade. Sila
ay laging magkasama at masasabi ko na malalim na talaga ang kanilang
pinagsamahan dahil kung ano ang alam ko kay Perrie ‘yon din ang alam ni Jade.
Sila ay kumakain ng sabay at hindi na ako nakisama dahil sa nakikita ko na para
naman magkaroon ng oras sa Perrie para sa kaibigan niya. Pagtapos noon tapos na
ang klase dahil tapos na, oras na ng merienda. Inaya ko si Perrie na kumain ng
‘street foods’ pero kasama si Jade. Ang saya-saya ni Perrie at makita ko lang
siya masaya, masaya na din ako. Nagkakwentuhan
kami ng mga nangyari sa buong maghapon, at ako ang lagi niyang sinasabihan kung
may problema man siya o wala. Kami ay nagdadate sa mga kainan at sinehan dahil
ito ang mga bagay na pareho naming gusto at nagkakaintindihan kami dahil dito.
‘Yan ang mga paborito naming gawin, pampalipas ng oras at nagsisilbing libangan
na rin. Kinatagalan, Inaya ako ni Perrie na pumunta sa isang parke para manood
ng paputok dahil paborito niyang manoood nito. Sinorpresa niya ako at pumayag
na siya na maging nobya ko. Masasabi ko na ang unang limang buwan ay sobrang naging
masaya kaya lang sa bawat alis naming nandoon si Jade. Dumating ang araw na
kapag may nakakasama si Perrie ay syempre hindi ko maiwasan na hindi magselos
at minsan nagdudulot ito ng away pero hindi rin nagtagal nagiging ayos na din.
Sa sobrang dalas na makasama naming si Jade minsan napatanong ako kay Perrie na
bakit ganoon, gusto ko kahit minsan o sandali lang ay magkaroon man lang kami
ng oras paraq sa aming dalawa lang. Sabi niya sa akin, “Ano ba naman ‘yan
kaibigan ko lang ‘yon Zayn.” Hinayaan ko na lang at naisip ko na tama naman
hindi naman na iba si Jade sa akin total kaibigan siya ng nobya ko. Isang araw,
nakita ko na umiinom at naninigarilyo si Jade sa kanto malapit sa bar. Sinabi ko
ito kay Perrie at sabi, “Hala, ano ang nangyari?, Puntahan natin at dalhin
natin siya sa condo niya.” Pumayag ako na tulungan dahil syempre mtalik na
kaibigan ‘yon ng nobya ko. Masasabi ko na mapagmahal si Perrie dahil inaruga
niya ang kanyang kaibigan at nakita ko ang tulo ng kanyang mga luha dahil hindi
siya makapaniwala na kaya gawin ‘yon ni Jade. Tinulungan ko si Perrie na
alagaan at pagtapos inutusan ako ni Perrie na bumili ng pagkain at pakakainin
niya na si Jade. Bumili ako ng ‘soup’ para mawala ang hangover ni Jade. Bumili
naman ako ng pagkain na kare-kare dahil alam ko na ito ang paboritong pagkain
ni Perrie dahil simula noong pumunta na kami sa condo ni Jade hindi na nakakain
si Perrie. Pagbalik ko nakita ko na nagagalit si Perrie kay Jade dahil uminom
siya at naninigarilyo at syempre inawat ko ang nobya ko. Dumating na ang nanay
ni Jade at ito’y pinatawag ko para naman makapagpahinga na si Perrie dahil wala
rin siyang tulog simula noong sinundo namin si Jade. Sinusuway ako ni Perrie at
sabi na ayaw niya pa umuwi at gusto niya na doon muna siya kay Jade na
ipinagtataka ko dahil alam ko naman na may magbabantay na doon. Nag-away kami
dahil sabi ko kaibigan niya lang ‘yon unahin niya naman kahit minsan ang sarili
niya, dahil imbes na siya ang mag-alaga, ay baka siya ang aalagaan. Nakipagtalo
siya sa akin, naging madalas na ang mga away naming na minsa’y nakakasawa pero
kahit kaila’y hindi ako bumitaw. Minsan naiisip ko na mas naiisip niya na ang
kaibigan niyang si Jade kaysa sa akin. Dumating ang mga araw na naging malamig
na ang dating nagaalab naming relasyon at hanggang sa tumagal sumuko na si
Perrie sa aming relasyon at sinabing makikipag-hiwalay na siya sa akin at
kailangan niya lang daw ng ‘space’ sa bagay-bagay. Nagulat na lang ako at
nalaman ko na naging sila pala ni Jade kaya pala sobrang mapag-aruga,
maintindihin at sa bawat gala ay naroon si Jade. Hindi pa nakakamove-on si
Perrie dahil sa oras na kinailangan niya ng tulong nandyan si Jade sa panahong
wala ako. Nakakahinayang man isipin na sa una ang saya naming pero ganoon
talaga minsan kahit gaano mo kagusto ang tao kung may iba talaga siyang gusto
wala rin itong patutunguhan. Ang sakit lang na baka sa bawat halik na ginawa ko
sa kanya hindi ako ang nasa isipan niya kung hindi ang mahal niya. Kahit
nasaktan man ako, kahit kalian hindi ko ito pagsisisihan dahil kailanma’y si
Perrie ay naging parte na ng aking buhay, na kahit kaila’y hindi ko iaakila.